Misis bulagta kay mister
February 26, 2006 | 12:00am
ISABELA Isang mister ang bumagsak sa kulungan nang aksidenteng mabaril ang kanyang sariling asawa matapos magtalo dahil lamang sa telebisyon nitong Huwebes sa Brgy. San Rafael, Roxas, lalawigang ito.
Kinilala ni P/CInsp. Severino Abad, ang biktima na si Evelyn Ordonio, 20, habang ang suspek naman na kasalukyang nasa pangangalaga ng PNP Roxas ay nakilalang si David Ordonio, kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng tahanan ng mag-asawa matapos magtalo ang dalawa habang nanonood ng telebisyon.
Lumalabas sa pagsisiyasat na may mga batang kapitbahay ang mag-asawa na pumunta sa kanilang tahanan upang makipanood ng telebisyon subalit ayaw umano ng mister kung kayat nag-umpisa ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa umalingawngaw ang isang putok ng baril sa kinaroroonan ng mag-asawa.
Sa pahayag ng suspek, aksidente umanong pumutok ang kanyang baril at labis na lamang ang kanyang pagkabigla nang makitang tinamaan sa tiyan ang kanyang asawa.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Napag-alaman na walang lisensya ang baril ng suspek kaya nahaharap ito sa kasong illegal possession of fire arms at parricide. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am