^

Probinsiya

Nanghabol ng snatcher, tinodas

-
SARIAYA, Quezon –Patay agad ang isang 20-anyos na binata matapos saksakin ng isang cellphone snatcher na tinangkang hulihin ng biktima sa bahagi ng Magdami Street Ibaba, Barangay 5 ng bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa kaliwang dibdib ang biktimang si Melvin Opena ng Barangay Sampaloc 2, habang kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na pinaniniwalaang lango sa droga.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez, bandang alas-7:50 ng gabi habang nakatayo sa harapan ng Janine Videoke Bar ang biktima at ang kaibigan nitong si Michael Vergara nang makarinig sila ng sigaw ng isang babae na humihingi ng saklolo.

Agad na tinungo ng magkaibigan ang pinanggalingan ng sigaw at inabutan nila ang isang nagngangalang Shiera Crisostomo na inagawan ng Nokia 3310 cellphone ng hindi nakilalang snatcher.

Kaagad na hinabol ng biktima ang tumatakbong snatcher, subalit biglang huminto at sinalubong siya ng isang sakyod ng saksak sa dibdib na ikinabuwal nito.

Tumakas ang suspek na tangay ang cellphone at patalim na ginamit sa krimen. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY SAMPALOC

CHARLIE GUTIERREZ

JANINE VIDEOKE BAR

KAAGAD

MAGDAMI STREET IBABA

MELVIN OPENA

MICHAEL VERGARA

NAPURUHAN

SHIERA CRISOSTOMO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with