6 holdaper nalambat
February 14, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya makaraang holdapin ang lotto outlet sa Barangay Sta. Rosario sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.
Kabilang sa suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang sina Ricardo Sta. Maria, 32, ng Barangay Bantug Norte; Allan Mira, 25, tubong Pagadian City; Saturnino Maur ng Diliman, Quezon City; Jowel Ramoso ng Sto. Tomas, Peñaranda, Nueva Ecija; Pablito Marcelo at Fernando Francisco ng Barangay San Lorenzo, Gapan City.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija provincial director, hinoldap ng mga suspek ang lotto outlet na pag-aari ni Cecilia Bartido sa Barangay Sangitan Norte, habang isinasara ang nasabing establisimyento saka tinangay ang P19,000.
May teorya ang pulisya na bumawi ang mga suspek laban sa lotto outlet dahil napigilang holdapin ang isang Bumbay sa Barangay Cruz Roja sa Cabanatuan City noong Sabado ng hapon.
Makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa pamumuno ni P/Senior Supt. Jesus Gordon Descanzo at PIIB at P/Supt. Roel Obusan ay sinalakay ang pinagkukutaan ng mga suspek sa nabanggit na bayan.
Narekober ng pulisya ang dalawang baril at mga bala na ginagamit sa kanilang modus operandi. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest