^

Probinsiya

Reyna ng tulak, nadakma

-
LUCENA CITY – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 28-anyos na babae na pinaniniwalaang reyna ng mga drug pusher sa nabanggit na lungsod makaraang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang foodchain sa malaking department store sa Barangay Ibabang Dupay, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Rueben Theodore Sindac, ang suspek na si Venus Dogos, 28, ng Barangay Kanlurang Mayao.

Sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may hinihintay na buyer ng shabu ang suspek sa loob ng Jollibee sa SM Mall. Kaagad na nagpanggap na poseur/buyer ang isang tauhan ng PDEA na pinamumunuan ni SP04 Marianito Villanueva at nang iniaabot na ng suspek ang isang pakete ng shabu ay pinosasan na ito ng composite team. Narekober sa pag-iingat ng suspek ang 2 gramo ng shabu, isang piraso ng P100 bill at mga marked money na ginamit sa dragnet operation. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY IBABANG DUPAY

BARANGAY KANLURANG MAYAO

BUMAGSAK

JOLLIBEE

KAAGAD

MARIANITO VILLANUEVA

RUEBEN THEODORE SINDAC

SENIOR SUPT

TONY SANDOVAL

VENUS DOGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with