3 nalitson sa sunog
February 6, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Wasian sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Halos matusta ang buong katawan ng mga biktimang sina Maria Teresa de Paz, 32, kawani ng lokal na pamahalaan; Daryl Siera de Paz, 4; at Dioscora Cañal, 17.
Sa ulat, naitala ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi matapos na kumalat ang apoy sa dalawang bahay na pag-aari nina Nemesio de Paz at Arsenia Batante sa nabanggit na barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagmula sa bahay ng pamilya de Paz at mabilis na kumalat sa katabi nitong kabahayan ng mga Batante.
Nabigo namang makalabas sa kanilang bahay ang mga biktima hanggang sa tuluyang lamunin sila ng apoy
Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa pagkasunog ng dalawang bahay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended