Pastor, misis tumba sa ambush
February 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang pastor at misis nito ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army sa bahagi ng Barangay Patonoling sa bayan ng Tupi, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Binistay ng bala ng malakas na kalibre ng baril ang mga biktimang sina Timothy Ariao, 46, pastor ng Alliance Christian Church at asawa nitong si Delia Juebas, 39.
Batay sa ulat, bandang alas-7 ng umaga nang pagbabarilin ng mga armadong rebelde ang mga biktima sa bisinidad ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon, patungo ang mag-asawang misyunero sa isang pagpupulong ng mga kasapi ng Alliance Christian Church para sa kanilang misyon nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.
Napag-alamang bumati pa ang mga rebelde ng "God Bless you pastor, ito na ang iyong katapusan" at kasunod nito ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan nadamay na din sa insidente ang kanyang misis.
Matapos na masigurong patay na ang puntirya ay agad na lumisan ang mga aramadong kalalakihan sa liblib na bahaging sakop ng nabanggit na barangay.
Sa kasalukuyan ay wala pang natutukoy na salarin ang mga awtoridad kung saan kabilang sa mga pinaghihinalaan ay ang mga rebeldeng Muslim at ang mga komunistang New Peoples Army (NPA). (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest