Bus nag-dive sa bangin: 8 patay
February 2, 2006 | 12:00am
BAGUIO CITY Walo-katao ang kumpirmadong namatay, samantalang 22 naman ang grabeng sugatan, matapos mag-dive sa malalim na bangin ang isang pampasaherong bus na sinasakyan ng mga biktima kahapon sa Sitio Batingan, Barangay Adaway may ilang kilometro na lamang ang layo sa bayan ng Kabayan, Benguet.
Ayon kay Vic Tomazar, regional director ng Office of the Civil Defense-Cordillera (OCD-CAR), agad na rumesponde ang kanyang mga tauhan, kasama ang mga rescue team ng Baguio City PNP sa naturang lugar, matapos maganap ang aksidente dakong alas-2:15 ng hapon sa may Bokod-Kabayan road na sakop ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na ulat, nakilala ang mga nasawi na sina Terio Calpasi, Juliet Ingloso, Christian James Ingloso, Moreno Linagtoan, Mandy Molitas, Rolando Caballes, Antonio Domerez at Erico D. Domerez. Ang mga sugatan ay agad namang isinugod sa Dennis Molintas Hospital sa Buguias, Benguet.
Sa imbestigasyon, galing ng Baguio City ang Norton Bus na may body number 577, patungong bayan ng Kabayan, na may lulang 28 pasahero.
Habang papaliko ang bus sa zigzag na highway ay biglang nag-lock ang steering wheel ng bus, kayat nawalan ng kontrol ang manibela hanggang sa nagtuluy-tuloy sa may 200 talampakang lalim na bangin. (Artemio Dumlao at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 2, 2026 - 6:00pm
July 2, 2026 - 6:00pm