4 MILF rebs dedo sa encounter
February 1, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napatay habang siyam pa ang nasugatan kabilang ang walong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa naganap na panibagong bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebeldeng grupo sa liblib na bahagi ng Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.
Sa pahayag ni 604th Brigade Commander Col. Gerry Jalandoni, naunang nagpaputok ng baril ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) laban sa mga nagpapatrulyang tropa ng Armys 7th Infantry Battalion kasama ang ilang Cafgu, kaya napilitang gumanti ang tropa ng pamahalaan.
Gayon pa man, hindi pa natukoy ang pagkikilanlan ng mga nasawing MILF rebs.
Nakilala naman ang mga nasugatang Cafgu na sina Tautin Upaoo, Musa Morris at Kauatin Abdurakman na ngayon ay nasa Cotabato Regional Hospital.
Sa panig naman ni MILF chief negotiator Mohaqher Iqbal, na walo ang nasugatang Cafgu at isa naman sa MILF rebs, subalit iginiit ni Jalandoni na tatlo lamang ang sugatan sa kanilang panig sa isang oras ng bakbakan.
"Our men only defended their position. We are contemplating on filing a complaint against the soldiers for violation of the ceasefire," pag-alma pa ni Iqbal sa pahayag ni Jalandoni.
Ikinatwiran pa ni Jalandoni na ang MILF rebs ang lumabag sa ceasefire sa pag-atake sa kanilang tropa, dahil tumatalima sila sa itinatadhana ng ceasefire alinsunod sa isinusulong na negosasyong pangkapayapaan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am