Motorsiklo vs trak: 4 estudyante todas
February 1, 2006 | 12:00am
SAN JUAN, La Union Apat na estudyante sa kolehiyo ang maagang sinalubong ni kamatayan makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kasalubong na cargo truck sa bahagi ng highway na sakop ng Barangay Urbiztondo sa bayan ng San Juan, La Union kamakalawa.
Ang mga biktima na pawang mag-aaral sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa San Fernando City ay nakilalang sina Reggie Occasion, Isagani Esperon, kapwa 19-anyos at residente ng Barangay Sapilang, Bacnotan, La Union; Francis Sang-et, 23, ng Poblacion, Suyo, Ilocos Sur at Harry Domino ng Dinaratan, Salcedo, Ilocos Sur.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Cesar Alcantara, ang mga biktimang nasawi ay pawang lango sa alak matapos na mag-inuman sa isang beerhouse. Ayon pa sa imbestigasyon, magkakaangkas sa motorsiklong (AD-9414) ang mga biktima na minamaneho naman ni Occasion.
Pagsapit sa pakurbadang kalsada sa nabanggit na highway ay inakupahan ng motorsiklo ng mga biktima ang kabilang linya, subalit nakasalubong ang cargo truck (WGM-874) na minamaneho ni Felimon Oriel kaya naganap ang trahedya.
Mabilis namang dinala sa Lorma Medical Center sa San Fernando City, ang mga biktimang tumilapon ng may ilang metro sa kinaganapan ng aksidente, subalit pawang idineklarang patay.
Kasalukuyang nasa custody ng pulisya ang drayber ng trak na residente ng Butubut Sur sa bayan ng Balaoan, La Union at pormal na sinampahan ng kaukulang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest