Trader napagtripang barilin
January 31, 2006 | 12:00am
NUEVA ECIJA Kalaboso ang kinabagsakan ng isang 30-anyos na lalaki makaraang mapagtripang barilin at masugatan ang isang negosyante sa Barangay San Andres, Muñoz City, kamakalawa. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Bernardino Corpuz Jr., samantalang nasa maayos namang kalagayan sa San Jose City General Hospital ang biktimang si Domingo Andrada, ng naturang lugar din.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sinundan ng suspek na lango sa alak ang naglalakad na biktima. Sa hindi nabatid na dahilan ay biglang binaril ng suspek ang biktima na tinamaan naman sa kanang balikat hanggang sa isugod sa nasabing ospital. Sa teorya ng pulisya na napagtripan lamang ng suspek ang biktima dahil sa pagkalango sa alak. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest