^

Probinsiya

Mag-utol kinatay ni kuya

-
TAYTAY, Rizal –Kapwa nasawi ang dalawang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanilang nakatatandang kapatid nang magkapikunan habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dolores ng bayang ito.

Parehong hindi na umabot nang buhay sa Taytay General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Santiago Orgel, 32, at kapatid na si Narciso, 34 habang mabilis na tumakas ang suspek na panganay nilang kapatid na si Prudencio, pawang residente ng Sitio Bato-Bato, naturang barangay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa labas ng bahay ng magkakapatid kung saan nag-iinuman ang mga ito.

Napag-alaman sa saksing si Marife Orgel, nakababatang kapatid ng mga ito na nang malasing na ang kanyang mga kapatid ay nagkaroon ng pagtatalo sa hindi malamang kadahilanan sanhi upang pagtulungang batuhin ng baso at bote nina Narciso at Santiago si Prudencio na tinamaan sa ulo. Nagawa namang makatakbo ni Prudencio sa kusina at nang makakuha ng patalim ay binalikan ang kanyang mga kapatid at inundayan ng sunud-sunod na saksak. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

EDWIN BALASA

KAPATID

KAPWA

MARIFE ORGEL

NARCISO

PRUDENCIO

SANTIAGO ORGEL

SITIO BATO-BATO

TAYTAY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with