^

Probinsiya

Biyuda kinatay ng 3 senglot

-
CAVITE – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na biyuda ng tatlong senglot na lalaki makaraang sigawan ng biktima ang pambubuska ng mga suspek sa kanyang sintunadong kanta sa bahagi ng Barangay Anabu 2-C, Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Dela Salle University Medical Center ang biktimang si Teresita Maliksi y Paredes, 43, ng Place Athena Tenant ng nabanggit na barangay.

Samantala, isa sa mga suspek ay nakilalang si Lando Tagaya ng Sitio Pulo ng nabanggit na bayan na ngayon ay tugis ng pulisya.

Ayon kay PO3 Joe Norman Patambang, naitala ang krimen dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa isang karinderya na may videoke sa nasabing lugar.

Napag-alamang kumakanta ang biktima nang alaskahin at pagtawanan ng mga nag-iinumang suspek.

Minasama ng biktima ang ginawa ng mga suspek, pakutyang sinigawan ang tatlong senglot hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil sa pawang senglot ang mga suspek ay nagawang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang biktima. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY ANABU

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DELA SALLE UNIVERSITY MEDICAL CENTER

JOE NORMAN PATAMBANG

LANDO TAGAYA

PLACE ATHENA TENANT

SITIO PULO

TERESITA MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with