^

Probinsiya

Presidential yacht nasunog sa Batangas

-
BAUAN, Batangas – Nilamon ng apoy ang presidential yacht BRP "Ang Pangulo" noong Sabado ng umaga habang sumasailalim sa maintenance repair sa Keppel Dry Dock na matatagpuan sa Barangay San Miguel sa bayang nabanggit.

Sa ulat na nakarating sa Provincial Police Headquarters, bandang alas-6:30 ng umaga, nagkaroon ng electrical short-circuit sa loob ng machine room kung saan nagsimula ang apoy na nagtagal lang ng sampung minuto.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Ayon sa source ng PSN, itinago ng Presidential Security Guard (PSG) officials ang impormasyon sa mga mamamahayag dahil na rin sa isang direktiba mula sa Malacañang.

Ayon sa isang police official na ayaw magpakilala, hindi malaman ng mga imbestigador ng Bauan Fire Department ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy dahil na rin sa pagbabawal ng PSG na makapasok ang mga ito sa nasunog na yate matapos ang insidente. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANG PANGULO

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN MIGUEL

BATANGAS

BAUAN FIRE DEPARTMENT

DRY DOCK

MALACA

PRESIDENTIAL SECURITY GUARD

PROVINCIAL POLICE HEADQUARTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with