^

Probinsiya

1 patay, 4 kritikal sa road mishap

-
IBA, Zambalez — Isa katao ang nasawi habang apat pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang isang tricycle at truck, sa Barangay Bangantalinga, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/C Inspector Remigio Magno ang nasawi na si Gregorio Castañeda Jr., 22-anyos, ng Purok III, Brgy. Bangantalinga, habang ang kasalukuyan namang inoobserbahan sa iba’t ibang pagamutan ng probinsiya ang iba pang mga biktima na sina Bernie Padrig, 22; Ryan Laguatan, 18; Edwin Alarma, 24; at Julius Mirador, 21, pawang residente ng Purok II ng nabanggit na barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Pablo Castillo, may hawak ng kaso, panatag umanong tumatakbo ang Isuzu Elf na may plakang WRB-410 na minamaneho ni Virgilio Layno, 29, tubong Bunlag, Calasiao, Pangasinan, nang masalubong nito ang tricycle na Suzuki na may plakang #RI-1166 na minamaneho ni Bernie Padrig, malapit sa tulay ng Bangantalinga.

Naaninag umano ni Layno ang mabilis ngunit pa ekis-ekis na takbo ng kasalubong na tricycle, kaya binagalan niya ang takbo ng kanilang sasakyan.

Napag-alaman pa na lasing umano ang mga lulan ng tricycle nang maganap ang aksidente.

Kasalukuyan namang nakadetine si Layno at ang kanyang pahinante sa Iba Police Office, habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban dito. (Fred Lovino)

vuukle comment

BANGANTALINGA

BARANGAY BANGANTALINGA

BERNIE PADRIG

C INSPECTOR REMIGIO MAGNO

EDWIN ALARMA

FRED LOVINO

GREGORIO CASTA

IBA POLICE OFFICE

ISUZU ELF

JULIUS MIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with