^

Probinsiya

P.5 M sub-standard na mga bakal, winasak ng DTI

-
BULACAN – Sampung tonelada ng mga sinasabing sub-standard na mga bakal na ginagamit sa konstruksiyon na nagkakahalaga ng mahigit sa kalahating milyon ang winasak ng Department of Trade and Industry (DTI), kamakalawa ng hapon sa Barangay San Pablo, Lungsod ng Malolos, lalawigang ito.

Nabatid sa DTI na nakumpiska noong Oktubre 2005 sa JDS Hardware na pag-aari ng isang Filipino-Chinese na si Junie Dee ang mga naturang bakal na natuklasang walang marka o label ng pabrika na pinagmulan nito.

Pinaniniwalaang hindi dumaan ang mga nasabing bakal sa masusing pagsusuri ng Bureau of Product Standard (BPS).

Pinagmumulta rin ng DTI ang nasabing hardware ng P35,000 dahilan sa paglabag nito sa batas sa pagbebenta ng mga sub-standard product.

Ang pagwasak sa mga nasabing produkto ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng DTI laban sa mga sub-standard na produkto upang mabigyan ng proteksiyon ang mga consumers.

Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ang isang Raymund Yu na umano’y siyang supplier ng nasabing mga bakal. (Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY SAN PABLO

BUREAU OF PRODUCT STANDARD

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EFREN ALCANTARA

FILIPINO-CHINESE

JUNIE DEE

KASALUKUYAN

LUNGSOD

RAYMUND YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with