^

Probinsiya

Labor leader brutal na pinatay

-
BULACAN – Isang labor leader ng Nueva Ecija Electric Cooperative na iniulat na dinukot ang natagpuang patay na tapyas ang tenga at putol ang dalawang braso kamakalawa sa NIA Road, Barangay Lapnit, San Ildefonso ng lalawigang ito.

Ang biktima ay kinilalang si Armando Pallarca, 45, may-asawa at residente ng Barangay San Jose, Penaranda, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:10 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na nakasuot pa ng uniporme nitong puting t-shirt na may pangalan at logo saka maong pants.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima, nawawala ang alahas, wallet, cell phone at iba pang mahahalagang papeles ni Pallarca nang matagpuan ito kamakalawa sa nasabing lugar.

Naunang iniulat ang biktima na dinukot ng hindi nakilalang mga armadong kalalakihan sa Nueva Ecija hanggang sa makitang karumal-dumal na pinatay ito kamakalawa.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operations at imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen. (Efren Alcantara)

vuukle comment

ARMANDO PALLARCA

AYON

BARANGAY LAPNIT

BARANGAY SAN JOSE

EFREN ALCANTARA

ISANG

NAGSASAGAWA

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA ELECTRIC COOPERATIVE

SAN ILDEFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with