^

Probinsiya

Magkapatid todas sa granada; ina, 2 kapatid grabe

-
CAMP CRAME – Dahilan sa sobrang kalikutan, nasawi ang magkapatid na batang lalaki habang grabe namang nasugatan ang ina at dalawang kapatid ng mga itong babae makaraang sumabog ang napulot nilang granada na kanilang pinukpok ng bato sa Escalante City Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Halos nagkalasug-lasog ang katawan ng magkapatid na biktimang sina Allan at Alano Catipay, 15 at 14-anyos sa pagsabog ng granada.

Sa report ni Escalante City Police Chief Inspector Mateo Maguate, ang ina ng mga biktima na kinilalang si Merlie, 35; mga kapatid na sina Mariane, 10 at Mary Ann, 12 ay mabilis na isinugod sa pagamutan matapos na magtamo ng mga tama ng shrapnel sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing granada ay natagpuan ng biktimang si Alano habang nagsasaka sila sa kanilang bukirin sa Sitio Sampinit II, Brgy. Libertad bandang alas-4 ng hapon

Tinawag nito ang kanyang kapatid na si Allan at bunga ng sobrang kakulitan ng magkapatid ay pinagtulungang pukpukin ng malaking tipak ng bato ang granada.

Isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar kung saan ay kapwa dead-on-the -spot sa insidente ang magkapatid habang malubha namang nasugatan ang tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya.

Pinaniniwalaan namang ang nasabing granada ayon sa pulisya kundi man pag-aari ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay nalaglag sa tropa ng mga sundalo na madalas magpatrulya sa nasabing lugar. (Joy Cantos)

ALANO

ALANO CATIPAY

AYON

BRGY

ESCALANTE CITY NEGROS OCCIDENTAL

ESCALANTE CITY POLICE CHIEF INSPECTOR MATEO MAGUATE

JOY CANTOS

MARY ANN

NEW PEOPLE

SITIO SAMPINIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with