^

Probinsiya

Lola nabaril ng mag-asawa, patay

-
CAVITE – Isang 85-anyos na lola ang iniulat na nasawi matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril mula sa nag-aaway na mag-asawa sa Barangay Zapote 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa kanang bahagi ng tiyan ang biktimang si Isidra Custodio, samantalang nawawala naman ang mag-asawang Manzano na anak ng biktima ang babaeng si Rosita. Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Dominador Logon, naitala ang insidente ganap na alas-4:00 ng madaling-araw habang ang mag-asawa ay nag-aagawan ng baril sa loob ng kanilang bahay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok ng baril at tumama sa biktima na ikinasawi nito. Napag-alamang hindi naging interesado ang mga kaanak ng biktima na sampahan ng kaukulang kaso ang mag-asawa. (Cristina Timbang)
Mister dinedo ng mga barangay tanod
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang napagtripan ng mga barangay tanod ang isang 35-anyos ng pagsasaksakin hanggang sa mapatay na ikinasugat din ng kanyang utol na lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Guinbanwahan sa bayan ng Balud, Masbate kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang nasawing si Rodito Gregorio, samantala, ginagamot naman sa Aurellano Medical Center si Rolando Gregorio, 29, mangingisda at kapwa naninirahan sa Sitio Caban-Caban ng naturang barangay. Tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Joemar Villaruel, 30; Rey Obligar, 38; at Felecisimo Aguirre Jr. 26, na pawang mga barangay tanod. Sa ulat ng pulisya, nanonood ng kasiyahan sa plaza ang mag-utol na biktima kasama ang kanilang mga pamangkin na sina Feroselem at Jerelyn nang lapitan ng mga suspek. Sa hindi nabatid na dahilan ay pinagtulungang yapusin ng mga suspek ang biktima hanggang sa isagawa ang pamamaslang. (Ed Casulla)

vuukle comment

AURELLANO MEDICAL CENTER

BARANGAY GUINBANWAHAN

BARANGAY ZAPOTE

CRISTINA TIMBANG

DOMINADOR LOGON

ED CASULLA

FELECISIMO AGUIRRE JR.

ISIDRA CUSTODIO

JOEMAR VILLARUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with