^

Probinsiya

Janjalani naispatan sa Basilan at Sulu

-
Nagsasagawa na ngayon ng malawakang dragnet operations ang mga operatiba ng militar laban kay Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani na namonitor na nagpapalipat-lipat ng taguan sa Basilan at Sulu.

Ayon kay AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Edilberto Adan, namataan ng kanilang mga asset si Janjalani habang gumagala sa nabanggit na mga lugar sa Western Mindanao.

Si Janjalani, may patong sa ulong P10-M at karagdagang $1-M naman na inilaan ng Estados Unidos ay nakatakas sa kordon ng militar sa Central Mindanao mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Gayunman, kasalukuyan namang inaalam ng militar kung saan na nagtatago ang dalawang Indonesian terrorist na sina Dulmatin at Omar Patek na kasama ni Janjalani sa Central Mindanao.

Sina Dulmatin, mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 2002 at tauhan nitong si Patek ay sinasabing siyang nagsasanay sa mga bandidong Abu Sayyaf sa terorismo partikular na ang pambobomba.

Kaugnay nito, tiwala naman si Adan na hindi na magtatagal ay babagsak na rin sa kamay ng batas ang nasabing Sayyaf leader. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

CENTRAL MINDANAO

EDILBERTO ADAN

ESTADOS UNIDOS

JANJALANI

JOY CANTOS

OMAR PATEK

SI JANJALANI

SINA DULMATIN

SOUTHCOM CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with