3 nalitson sa sunog
December 25, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Tatlong miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang 4-anyos ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kanilang katulong matapos na ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling-araw sa, Naga City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Dra. Elvira Romagosa, 64; Rheen Audrey Romagosa, 27 at Gabrielle Athene Romagosa, 4, pawang mga residente ng Jacob St., Barangay Liboton, nasabing lungsod.
Nilalapatan naman ng lunas sa Bicol Medical Center dahil sa tinamong 3rd degree ang katulong na si Carmen Azaldo, 60.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas-3:15-3:30 ng madaling-araw habang ang mga biktima ay nasa kasarapan ng tulog.
Nabatid na bigla na lamang nagliyab ang loob ng kabahayan mula sa hindi pa matukoy na pinagmulan nito.
Hindi na nagawa pang makalabas ang mga biktima sanhi upang malitson ng buhay.
Naapula naman ang apoy ng mga miyembro ng mga pamatay sunog bandang alas-4 na ng madaling-araw. Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga arson investigator upang mabatid kung saan at ano ang pinagmulan ng sunog. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended