Mag-utol binoga ng 5, dedo
December 25, 2005 | 12:00am
TALAVERA, Nueva Ecija Kinalawit ni kamatayan ang magkapatid na magsasaka matapos na paputukan ng shotgun ng limang kalalakihan habang natutulog sa loob ng isang tent sa Barangay Burnay ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Inspector Arnel Amor Libid, hepe ng pulisya rito, ang mga biktimang sina Hermogenes Martin y Manucot, 31, at kuya nitong si Mario, 34, kapwa may-asawa at residente ng nasabing barangay.
Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Angelo Indon, Emon Alfonso, Oliver Alfonso, Rodel Alfonso at isang di nakikilala, pawang mga residente ng Barangay Calipahan ng bayang nabanggit.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-9:45 ng gabi habang natutulog ang magkapatid na Martin sa isang tent nang dumating ang mga suspek at biglang pinaputukan ng 12-gauge shotgun ang mga ito.
Sila ay nagtamo ng mga tama ng punglo sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan sanhi ng agarang pagkasawi.
Matapos ang pamamaril, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na personal na alitan ang motibo sa pamamaslang.
Dinala ang mga labi ng biktima sa Senior Citizens Funeral Parlor. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest