Nakatuwaan sa sayawan, tinodas
December 15, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang 36-anyos na bakasyunista ang kumpirmadong nasawi matapos na makatuwaang saksakin ng senglot na lalaki sa loob ng sawayan sa bahagi ng Barangay Concepcion sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Albert Frias ng 116 J. Ramos St. Sangandaan, Caloocan City, samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Solomon Alres Jr. na pinaniniwalaang lango sa alak nang mapagtripan ang biktima. Napag-alamang naki-pista ang biktima sa kanilang bayan mula sa Maynila at hindi inaasahang nakaamba ang kamatayan habang nagsasayaw sa nabanggit na barangay. (Ed Casulla)
PARACALE, Camarines Norte Hindi na umabot sa Kapaskuhan ang isang 40-anyos na magsasaka makaraang barilin at mapatay ng isa sa tatlong kalalakihan, habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Gumaus sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Barangay Talobatid-Labo ang biktimang si Wenceslao Beltran, tubong Calabanga, Camarines Sur matapos na tamaan ng bala ng baril sa leeg. Dalawa sa mga suspek ay nakilalang sina Manuel Valencia at Manding delos Santos na ngayon ay tugis ng pulisya. Bandang alas-7:00 ng umaga nang harangin ng mga suspek ang biktima at paslangin. May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa lupang sinasaka ng biktima, ang isa sa motibo ng krimen. (Francis Elevado)
BULACAN Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang rebel returnee ng dalawang rebeldeng NPA habang ang biktima ay naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay Balaong sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo at katawan ang biktimang si Alfredo Manaol, 51, habang nakaligtas naman ang asawat anak nito na kasamang kumakain. Ganap na alas-7:30 ng gabi nang pasukin ng dalawang rebelde ang bahay ng biktima saka isinagawa ang pamamaslang. May teorya ang pulisya na niresbakan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang biktima matapos na magbalik-loob sa pamahalaan. (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest