Calimlim, kinasuhan dahil sa illegal raid
December 15, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Nalalagay na naman sa balag ng alanganin ang Anti-Smuggling Task Force chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim at mga tauhan nito makaraang ireklamo ng isang imbestigador tungkol sa ilegal na pagsalakay sa pag-aaring bodega kahit walang kaukulang papeles, kamakalawa ng madaling-araw.
Kasong trespassing, illegal detention, illegal arrest at robbery ang isasampa ngayong araw ng mga abogado ng may-ari ng kumpanyang Park N Shop duty free shop sa prosecutors office sa Olongapo City laban kina Calimlim at Law Enforcement Department (LED) chief Col. Jaime Calunsag at Intelligence and Investigation Office (IIO) department head Col. Eric Palabrica.
Base sa reklamo ni Norma Dizon, may-ari ng naturang duty free shop, walang basehan at hindi lehitimo ang pagsalakay sa kanilang bodega sa Building 1431, Argonaut hiway ng mga tauhan ng LED, IIO at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) dahil sa walang maipakitang dokumento at search warrant para sa kanilang operasyon.
Sinabi pa ni Dizon, basta na lamang dumating sa kanilang bodega ang mga tauhan ni Calimlim at biglang naghalungkat at isa-isang kinumpiska ang mga kahon na imported na sigarilyo at alak.
Habang kinukumpiska ang kanilang mga tinda ay naaktuhan at nakita mismo ni Dizon na ilan sa mga tauhan ng task force ay isa-isang dumadampot ng ilang pakete ng sigarilyo at ibinubulsa, maging ang mga bote ng alak ay inisa-isang inilalabas sa kahon saka ipinapasok sa kani-kanilang mga sasakyan.
Inireklamo rin si Calimlim dahil sa ginawang pag-aresto at pagkulong ng task force ng walang warrant of arrest sa kanilang walong tauhan na nasa bodega na kasalukuyang nakadetine sa selda ng ASTF headquarters sa building 502.
"Papaano nila sasabihing nag-iismagel kami e ganoong nasa loob kami ng Freeport!, bakit hindi nila kami hulihin sa labas kung nagpupuslit kami at bakit dito sa loob, they should protect the legitimate locators here at mali ang sasabihin nila kaya kami sinalakay e pinagsususpetsahan lamang kami." Dagdag pa ni Dizon. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest