^

Probinsiya

30,000 magsasaka nakiisa kontra GATT

-
LA TRINIDAD, Benguet May 30,000 magsasaka at iba pang concerned sector sa lalawigang ito ang nakilahok sa "silent protest" laban sa ipapatupad na implementasyon ng General Agreement on Tariff and Trade (GATT).

Ang protesta ay ginawa sa pamamagitan ng kanilang paglagda na ngayon ay ginagawa sa buong mundo sa layuning makakalap ng 10 milyong lagda mula sa iba’t ibang miyembrong bansa na kanilang ipiprisinta sa 5th Ministerial Convention ng World Trade Organization (WTO) na gaganapin sa Hong Kong sa darating na Disyembre 13-18.

Nabatid na si Benguet Board Memebr John Kim ang magiging isa sa kinatawan ng Pilipinas sa usaping vegetable industry sa naturang kumperensya. Itinalaga siya bilang miyembro sa delegasyon ng Department of Agriculture.

Tatlong pangunahing isyu na may kinalaman sa magsasaka at agrikultura ang ipiprisinta ni Kim na naglalayong maresolba sa convention. Hangad nito na mawala ang government subsidies na ibinigay sa mga magsasaka sa ibang bansa. Pagmantine ng tariff rates sa mga produkto, palabas man o papasok ito ng bansa at ang strict compliance sa Sanitary and Phyto-Sanitary (SPS) requirements.

Ang SPS ay kailangan sa lahat ng produktong agrikultura bago ito payagang maipasok sa bansa para matiyak na ito ay ligtas sa peste at sakit. (Artemio A. Dumlao)

ARTEMIO A

BENGUET

BENGUET BOARD MEMEBR JOHN KIM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GENERAL AGREEMENT

HONG KONG

MINISTERIAL CONVENTION

SANITARY AND PHYTO-SANITARY

TARIFF AND TRADE

WORLD TRADE ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with