^

Probinsiya

Ex-mayor, 3 pa inaresto

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dating Municipal mayor at tatlo pang dati nitong kasamahang lokal na opisyal ang inaresto ng mga operatiba ng Camalig Police sa loob ng Municipal Hall sa Camalig, Albay, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang dinakip na si Paz Muñoz , dating alkalde ng Camalig, Albay, Rem Ortonia, Municipal Accountant, Arnaldo Quintano, Municipal Treasurer at Alfredo Magdangal Jr., Budget Officer ng naturang munisipyo sa panahon ng termino ng dating Mayor.

Ayon kay Camalig Police Chief Senior Insp. Rogelio Berquit, ang pag-aresto ay isinagawa dakong alas-2:30 ng hapon sa loob ng municipal hall ng naturang bayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Ma. Cristina Cortez-Estrada, Presiding Justice ng 5th Division ng Sandiganbayan sa Quezon City.

Ang mga ito ay inaresto sa kasong illegal use of public fund na may katumbas na piyansang P6,000 libong piso bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Napagalaman na ang mga akusado ay kaagad naman na naglagak ng kanilang piyansa na P6,000 ang bawat isa sa RTC Br. 1 sa lungsod ng Legazpi at kaagad naman na nagpalabas ng released order si Excutive Judge Romeo Danas. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ALFREDO MAGDANGAL JR.

ARNALDO QUINTANO

BUDGET OFFICER

CAMALIG POLICE

CAMALIG POLICE CHIEF SENIOR INSP

CRISTINA CORTEZ-ESTRADA

ED CASULLA

EXCUTIVE JUDGE ROMEO DANAS

JUDGE MA

LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with