Sundalo utas sa bangga

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang sundalo ang nasawi matapos na magsalpukan ang isang pampasaherong bus at sinasakyan nitong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Pologon, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Pvt. Rodel Vargas, nasa hustong gulang, binata, nakatalaga sa Bravo Coy ng 22IB, 9ID ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Bonga, Tigaon, Camarines Sur at tubong Villa Gonzalo, Zamboanga Del Sur.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:15 ng gabi habang ang biktima ay nakasakay sa motorsiklong Jialing MSX 150 (UO-7045) at binabagtas ang kahabaan ng naturang kalsada nang bigla na lamang banggain ng St. Jude bus (EVM-941) na minamaneho ni Joel Bergonia ay patunggo sa Metro Manila. (Ed Casulla)

Show comments