Opisyal ng Bagac Water District, sinibak
November 26, 2005 | 12:00am
BATAAN Inatasan ni Region-3 Civil Service Commisioner Assistant Elmer Bartolata si Alejandro Ricardo na bakantehin ang kanyang puwesto bilang water district manager ng Bagac, Bataan, sa lalong madaling panahon.
Sa 8-pahinang desisyon na lumabas noong Martes (November 22), ipinawalang bisa na ni Local Water Utilities Administrator Lorenzo Jamora, ang posisyon ng general manager sa pagkakatalaga ng Board of Directors ng Bagac Water District kay Ricardo na inaprobahan ng Civil Service Commision Field Office Balanga-Bataan noong September 19, 2005.
Kaugnay ng order, nagpalabas din ng kahilingan ang Sangguniang Bayan Members na inaprobahan ni Bagac Mayor Wawaw Ramos na mapatalsik sa tungkulin si Ricardo sa isyung ibinabato sa kanya ng mga kababayan sa Bagac kung saan biglaang pagtaas ng singil sa tubig.
Ayon pa kay Mayor Ramos, isa ring isyu ay kung bakit hindi maipaliwanag ni Ricardo sa taumbayan kung saan napupunta ang kinikita ng Bagac Water District dahil wala namang naipagawang proyekto.
Nakasaad din sa kautusan na nakikipagsabwatan din si Ricardo sa ilang board of directors upang manatili sa puwesto at maisagawa ang pinaniniwalaang maanomalyang transaksyon.
Isa rin sa mga dahilan na kung bakit tuluyang sinibak sa tungkulin bilang manager si Ricardo ay lumabag ito sa probisyon ng Presidential Decree 196 na inamiyendahan ng RA 9286 na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng opisyal ng water district sa bansa ang pagtatalaga ng posisyon bilang konsultant at pagkatapos siya rin ang tumatayong manager at magpapatakbo ng nasabing establisamento.
Hindi naman nakunan ng pahayag si Ricardo tungkol sa nasabing isyu upang magbigay naman ng kanyang panig. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest