4 NPA, 1 kawal patay sa panibagong sagupaan
November 24, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Apat na rebeldeng New Peoples Army at isang kawal ng militar ang iniulat na nasawi sa panibagong sagupaang naganap sa kagubatang sakop ng Barangay Beguin, Sorsogon kahapon ng umaga.
Ang apat na rebeldeng napatay ay binitbit ng kanilang mga kasamahang nagsitakas, base na rin sa salaysay ng mga residenteng nakasaksi sa madugong sagupan.
Samantala, nakilala naman ang sundalong nasawi na si Pvt. Mesias ng 21st Infantry Battalion ng Phil. Army.
Base sa ulat, naitala ang engkuwentro ganap na alas-9:30 ng umaga habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng 21st Infantry Battalion sa bahaging sakop ng nabanggit na barangay.
Ayon pa sa ulat, patungo sana ang mga rebelde sa Barangay Beguin para mangolekta ng revolutionary tax sa mga residente, subalit namataan ng mga awtoridad kaya sumiklab ang bakbakan.
Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde at binitbit ang kanilang kasamahang napatay maging ang ilang sugatan.
Mabilis naman nagtayo ng checkpoint ang mga tauhan ng 509 Provincial Police Mobile Group sa Barangay Pawa at Sumagongsong na posibleng pagdaanan ng mga rebelde.
Napag-alamang aabot sa 30 pamilya ang nagsilikas mula sa nabanggit na barangay patungong sentro ng Sorsogon upang hindi madamay sa patuloy na engkuwentro ng magkalabang grupo. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest