^

Probinsiya

11-anyos sinapak ng kalaro, patay

-
CAMP AGUINALDO – Nagmistulang isang boksingero ang pinawalang suntok ng isang 13 anyos na bata matapos na mapatay nito ang kalarong 11-anyos nang magkapikunan habang naglalaro sa loob ng compound ng elementary school sa Hagonoy, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat, hindi na umabot ng buhay sa Davao del Sur Provincial Hospital ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Lyndon, grade 4 pupil sa Hagonoy Elementary School.

Pansamantala namang inilagay sa pangangalaga ng Hagonoy Municipal Police Office ang 13-anyos na suspek na kinilala lamang sa pangalang Noel at hindi tinukoy ang apelyido bunga ng pagiging menor-de-edad.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:30 ng umaga, habang masayang nagbibiruan sina Lyndon at ang kanyang kaklase na nakababatang kapatid ni Noel ay nauwi sa pikunan ang larong habulan.

Sa salaysay ng mga kaklase ng dalawang bata, sinasabing naghaharutan ang dalawa ng hawakan ng biktima ang sex organ ng kapatid ng suspek na ikinagalit nito.

Nagsumbong ang kalaro sa kanyang nakatatandang kapatid, kaya agad itong sinapak ng sunud-sunod sa mukha, ulo at panga ng kaniyang kuya kung saan ay walang malay na bumagsak ang biktima.

Mabilis na isinugod ng kanyang guro ang biktima sa Davao del Sur Provincial Hospital, subalit idineklara itong patay bunga ng internal hemorrhage.

Nabatid na desidido ang pamilya ng biktima na maghain ng reklamo laban sa suspek na bata. (Joy Cantos)

vuukle comment

DAVAO

HAGONOY

HAGONOY ELEMENTARY SCHOOL

HAGONOY MUNICIPAL POLICE OFFICE

JOY CANTOS

LYNDON

MABILIS

NABATID

NAGMISTULANG

SUR PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with