Sangkap pampasabog nasamsam
November 14, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City Umaabot sa 1,400 na pirasong mga blasting cap ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang empleyado ng Civil Security Agent ng isang LGU ( Local Government Unit ) kahapon ng madaling-araw sa Matnog Ferry Terminal, Matnog Sorsogon.
Nakilala ang suspek na si Cruzaldo Serrona, 42 , may-asawa, empleyado ng Civil Security Agent ng San Antonio Northern Samar at residente ng Barangay Burabod, San Antonio sa naturang probinsya.
Bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng masakote ang suspek sa loob ng terminal habang naghihintay ng barko na biyaheng Samar.
Napag-alaman na ang suspek ay kahina-hinala ang kilos kung kaya nagduda ang mga awtoridad at kaagad na ininspeksyon ang mga dala nitong mga bagahe.
Nabatid na ang mga blasting cap na nasamsam ay maaring gamitin sa pagpapasabog ng high explosive. Isinailalim na sa masusing interogasyon ng mga awtoridad ang nahuling suspek. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest