3 pekeng pulis arestado sa kotong
November 7, 2005 | 12:00am
BULACAN Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis matapos ireklamo ng pangongotong ng isang may-ari ng videoke bar sa Brgy. Pagala, Baliuag, ng lalawigang ito kamakalawa ng madaling-araw.
Ang tatlong inaresto na nakumpirmang mga pekeng pulis ay kinilalang sina Willie Manuel, 24-anyos; Simeon Villanueva, 19 anyos at Angelito Anias, 19; pawang residente ng Brgy. San Rafael ng lalawigang ito.
Sa report ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang madakip ang tatlong suspek ng magreklamo ang binibiktima ng mga itong si Rosalinda Yaon, 24-anyos, dahilan sa panggugulo ng mga suspek na nangingikil sa pag-aari niyang Joans Videoke Bar na matatagpuan sa kahabaan ng DRT highway, Brgy. Pagala ng naturang munisipalidad.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang .38 kalibre ng baril na may kargang mga bala.
Bagsak kalaboso ang mga suspek na ngayon nahaharap sa kasong kriminal sa Baliuag Municipal Police Station. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest