^

Probinsiya

PNP na-‘wow mali’

- Nina Joy Cantos at Ellen Fernando -
Na-wow mali ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) matapos na look-alike ni Abu Sayyaf Group (ASG) Commander Radulan Sahiron na may patong sa ulong P5M at $1M naman mula sa Estados Unidos ang madakip kamakalawa ng hapon sa lalawigan ng Zamboanga, Sibugay.

Ito ang lulugo-lugong inamin kahapon sa press briefing ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao na nagtungo pa sa Dipolog City para alamin kung ang totoong wanted na si Sahiron ang naaresto ng kanyang mga tauhan.

"Nobody’s perfect. Humihingi po kami ng paumanhin sa publiko, look alike ni Commander Sahiron ang nadakip ng PNP operatives, but the incident highligts key important elements in the government fight against terrorism", buong pagpapakumbabang pag-amin pa ni Lomibao.

Sinabi ni Lomibao na lumilitaw sa isinagawang beripikasyon ng mga elemento ng pulisya na look alike lamang ni Commander Sahiron ang kanilang nadakip.

Kamakalawa ng gabi ay buong pagmamalaking inianunsyo ng PNP ang diumano’y matagumpay na pagkakabitag kay Commander Sahiron ng Special Composite Team ng PNP sa Brgy. Kitabog, Titay, Zamboanga, Sibugay bandang alas- 4:30 ng hapon.

Ang inakalang pagkakabitag sa wanted na lider ng Abu Sayyaf ay ikinagalak pa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at pinapurihan ang PNP operatives.

Si Sahiron ay may warrant of arrest sa 21 counts ng kasong kidnapping -for-ransom (KFR) kaugnay ng pagdukot sa 20 katao sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001 at kidnapping ng 21 katao kabilang ang 18 dayuhan na karamihan ay Europeans noong Abril 23, 2000 sa Sipadan, Malaysia.

Sa kabila nito, inihayag naman ni AFP-PIO Chief Col. Tristan Kison na tiwala ang liderato ng militar na kahit na wow-mali ang PNP ay susunod ng babagsak sa kamay ng batas sina ASG Chieftain Khadaffy Janjalani at iba pang lider ng Abu Sayyaf na nagtatago sa Central Mindanao kasama ng mga teroristang Jemaah Islamiyah (JI).

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CENTRAL MINDANAO

CHIEF COL

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

COMMANDER RADULAN SAHIRON

COMMANDER SAHIRON

DIPOLOG CITY

DOS PALMAS RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with