^

Probinsiya

5 katao natabunan sa landslide

-
Lima katao ang iniulat na natabunan ng gumuhong bundok sa naganap na landslide kamakalawa bunsod ng mga pagbaha dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan ng Quezon.

Dahil dito, ipinag-utos na ni Office of Civil Defense (OCD)Deputy Administrator Dr. Anthony Golez, na ipagpatuloy ang paghuhukay sa limang nawawala na natabunan ng lupa na inaalam pa ang mga pagkakakilanlan.

Base sa nakalap na report ng OCD mula sa lokal na Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC), kabilang ang limang katao na sinasabing nawawala sa may 650 residente na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bayan ng General Nakar at Infanta.

Ayon kay Golez nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ng OCD sa mga lokal na opisyal hinggil sa mga inulat na nawawala bunsod ng mga nagdaang pag-ulan sa nasabing lalawigan.

Nabatid kay Golez na pansamantalang inilikas ang mga apektadong residente sa mga itinayong evacuation centers habang patuloy ang sinasagawang search and rescue operations.

Kaugnay ng mga pag-ulan, sampung mga barangay sa mga bayan ng Sampaloc at Mauban sa lalawigang ito ang lumubog sa landslide at flashflood matapos na umapaw ang Maapon River.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga Brgys. Ilaya, Ibaba Uwain Bataan, Taquico, Alupay, Banot at Biluan sa Sampaloc habang ang iba pa ay mula naman sa bayan ng Mauban. (Joy Cantos at Tony Sandoval)

DR. ANTHONY GOLEZ

GENERAL NAKAR

GOLEZ

IBABA UWAIN BATAAN

JOY CANTOS

MAAPON RIVER

MAUBAN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with