^

Probinsiya

2 tinodas sa hapag-kainan

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang mga biktima ay naghahapunan sa kanilang bahay sa magkahiwalay na bayang sakop ng Camarines Sur at Sorsogon, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa pinaslang na mga biktima ay nakilalang sina Jesus Lombo Jr. ng Sitio Ukwaw sa Barangay Baya, Ragay, Camarines Sur at Armando Cervas ng Sitio Malabigan sa Barangay Carriedo, Irosin, Sorsogon.

Base sa ulat ng pulisya, unang niratrat at napaslang ang biktimang si Lombo Jr. habang naghahapunang kasama ang kanyang asawa’t anak. Sugatan naman ang anak na si Exequel Lombo, 27, na ngayon ay ginagamot sa Ragay District Hospital habang ang asawa ay hindi nakaligtas sa naganap na karahasan na naganap dakong alas-7 ng gabi.

Kasunod nito, napatay naman ang biktimang Cervas matapos bistayin ng bala ng armalite habang naghahapunan kasama ang pamilya sa sariling bahay.

Hindi naman makumpirma ng pulisya kung mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bumanat sa mga biktima dahil pawang naka-uniporme ng military.

May teorya ang mga awtoridad na inakalang mga tiktik ng pamahalaan ang mga biktima kaya pinatahimik. (Ed Casulla)

ARMANDO CERVAS

BARANGAY BAYA

BARANGAY CARRIEDO

CAMARINES SUR

ED CASULLA

EXEQUEL LOMBO

JESUS LOMBO JR.

LEGAZPI CITY

LOMBO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with