3 anak ni Flor Contemplacion timbog sa buy-bust
October 25, 2005 | 12:00am
SAN PABLO CITY, Laguna Tatlong anak ni Flor Contemplacion, ang domestic helper na binitay sa Singapore, ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation noong Huwebes ng umaga sa bahay nila sa Barangay Sta. Isabel sa bayang nabanggit.
Kinilala ni Supt. Francis Elmo Sarona, hepe ng pulisya sa San Pablo, ang mga suspek na sina Sandrex Contemplacion, 32 at ang kambal na utol na sina Joel at Jun-Jun Contemplacion, 25.
Base sa naantalang ulat ng San Pablo PNP sa Laguna Police Provincial Office, ganap na ika-10:30 ng umaga noong October 20, nasakote ng mga elemento ng San Pablo City PNP ang mga suspek sa buy-bust operation matapos makumpiskahan ng 2-sachet ng shabu na may timbang na 0.9 grams at dalawang pirasong P100 marked money.
Kasalukuyang nakakulong ang magkakapatid na Contemplacion sa himpilan ng pulisya sa San Pablo City para harapin ang kasong pag labag sa Republic Act 9165 o illegal na pagbebenta ng bawal na gamot.
Magugunitang si Flor Contemplacion ay nahatulang mabitay ng Supreme Court ng Singapore dahil sa pagpatay sa kasamahan nitong domestic helper na si Delia Maga at ang alaga nitong anak ng amo niyang Singaporean noong1995.
Dahil sa pangyayaring yon, nagprotesta ang mga Pinoy community sa Singapore at panandaliang umasim ang relasyon ng Pilipinas at Singapore dahil sa marahas na desisyon laban kay Contemplacion. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended