Opisina ng Bayan Muna, pinasabog
October 19, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Pinasabog at tuluyang nasunog ang provincial office ng Bayan Muna sa naganap na insidente sa Sitio Buno sa Barangay Matatalaib sa Tarlac City, kahapon ng madaling-araw.
Base sa ulat na nakarating kahapon kay Tarlac Provincial Director P/Sr. Supt. Nicanor Bartolome, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang biglang sumulpot sa harapan ng opisina ng Bayan Muna sa nabanggit na barangay at naghagis ng pampasabog dakong ala-1 ng madaling-araw.
Agad na hinagisan ng bomba na may sangkap ng gasolina ang balkonahe ng nasabing opisina at kaagad na nagliyab
Kabilang sa nilamon ng apoy ay ang mga kagamitan sa may balkonahe, mga dokumento at mga streamers ng Bayan Muna. Wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa naganap na insidente, ayon pa sa ulat.
Sinabi ni Bartolome na sa kasalukuyan ay wala pa silang natutukoy na suspek sa nasabing pananabotahe at patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
Ang panununog ay naganap dalawang araw matapos pagbabarilin at mapaslang si Florante Collantes, secretary general ng Bayan Muna noong Sabado sa bayan ng Camiling, Tarlac.
Kaugnay nito, mariin namang itinanggi ni Armys 7th Infantry Division Chief Major Gen. Jovito Palparan, ang paratang ng grupo ni Roman Polintan, chairman ng Bagong Alyansang Makabayan sa Central Luzon na ang kanyang mga tauhan ang responsable sa insidente.
"Bayan Muna has declared me and the military as their enemies but in fact they have created a number of enemies in different sectors of our society. Also [its] relationship with the New Peoples Army is not a secret and the NPA has killed and hurt and destroyed peoples lives and properties," paliwanag pa ni Palparan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest