Rapist ng 10 menor-de-edad nadakma
September 29, 2005 | 12:00am
NUEVA ECIJA Bumagsak sa kamay ng tauhan ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang isang dating security guard na responsable sa panggagahasa sa 10 menor-de-edad na mag-aaral sa bayan ng Paniqui, Tarlac, makaraang salakayin ang pinagtataguan nito sa Purok 7, Barangay Valle Cruz sa Cabanatuan City, kamakalawa ng madaling-araw.
Sa ulat ni P/Supt. Roel Obusan, hepe ng provincial intelligence and investigation branch, kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, nakilala ang suspek na si Manuel Galapate, 34, ex-security guard ng Tarlac National Vocational School (TARNAVOC) sa Paniqui, Tarlac at itinuturong lider ng Acero Brotherhood Fraternity.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay may nakabinbing kasong 5 counts ng gang rape; 7 counts of violation of RA 8049 (anti-hazing law); at illegal possession of firearms dahil nahulihan ito ng baril na walang lisensya.
Bago madakip ang suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol kay Galapate na namataang nagkukuta sa nabanggit na lugar kaya agad kumuha ng warrant of arrest sa korte at nagsagawa ng operasyon hanggang sa madakip ang suspek.
Napag-alaman sa ulat na ika-9 na si Galapate sa 13-wanted na nadakma at kinasuhan ng gang rape at anti-hazing.
Nakakulong na ngayon sa Paniqui, Tarlac ang walong iba pa at inaasahan ng pulisya na lulutang ang iba pang naging biktima at maghaharap ng karagdagang kaso sa mga suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended