Fiesta tragedy: 2 patay
September 26, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Nauwi sa trahedya ang isang masayang piyestahan matapos masawi ang dalawa katao nang makuryente ang mga ito ng sumabit sa poste ng CASURECO ang pagoda pole sa fluvial procession sa Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang dalawang biktimang sina Dennis Meceda 32, may asawa residente ng Brgy San Roque at Blandino Dondon Serdan 32, may-asawa residente ng Brgy. Sta. Elena; pawang ng nasabing munisipalidad.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-5:45 ng hapon habang ang mga biktima ay sumasama sa isinasagawang fluvial procession kaugnay ng pagdaros ng piyesta sa Sitio Peñafrancia, Brgy. Sagrada sa bayan ng Buhi.
Nabatid na habang ang pagoda ng santo ay inililibot sa lawa nang aksidenteng sumabit ang isang pole nito sa live wire ng isang poste ng Casureco III na naging dahilan na ang mga deboto nito ay mag-panic at magtalunan sa tubig upang iligtas ang kani-kanilang sarili.
Napag-alaman na maraming tao ang sumaksi sa naturang prosesyon ng santa at ang iba ay galing pa sa ibang bayan na dumalo at makisaya sa fiesta ng naturang lugar.
Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad upang makita ang bangkay ng mga biktima na lumubog ng ang mga ito ay makuryente habang tinataya namang may nawawala pang mga biktima. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended