^

Probinsiya

PDEA pasasabugin!

- Ni Angie dela Cruz -
Dahil sa posibleng pagbuwag sa mga malalaking sindikato ng droga, target na pasabugin ng mga di-kilalang grupo ang lokal na tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakabase sa Baguio City matapos na matagpuan ang isang itinamin na time bomb dito kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Baguio City Police chief Sr. Supt. Isagani Nerez, nakita ang naturang bomba dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa tapat ng PDEA office na matatagpuan sa Melvin Jones Grandstand, Harrison Road.

Nakalagay ang bomba sa isang walong pulgadang PVC pipe at mayroong timing device kung saan nakatakdang sumabog ito dakong-alas-7 ng umaga kahapon.

Sinasabing kung hindi naagapan ang pagkakatagpo sa bomba ay posibleng maraming residente ng lugar na may ilang metro lamang ang layo sa gusali ng PDEA ang posibleng madamay.

Dahil dito, agad na hinigpitan ang seguridad sa nasabing lugar upang maiwasan ang pagkakaulit ng insidente. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga responsable sa pagtatanim ng time bomb sa PDEA.

vuukle comment

AYON

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

DAHIL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HARRISON ROAD

ISAGANI NEREZ

MELVIN JONES GRANDSTAND

NAKALAGAY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with