Mister tinodas ng magkapatid

CAVITE — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapaslang ang isang 30-anyos na mister ng mag-utol na lalaki saka itinapon ang bangkay sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Binakayan, Kawit, Cavite kamakalawa. Natagpuan ng mga residente ang palutang-lutang na bangkay ni Joel Arcota ng nabanggit na barangay. Dinakip naman ang mga suspek na sina Jojo, 22 at Antonio Monares, 19, na kapwa ka-barangay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO4 Margarito Alba, huling namataang buhay ang biktima na kausap ng mag-utol. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig hanggang sa hindi na nakauwi pa ang biktima. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments