Manager umiwas sa sawa, tigok sa bangga
September 11, 2005 | 12:00am
CAVITE Nasawi ang isang 56-anyos na project manager ng isang kumpanya makaraang mawalan ng kontrol nang tangkaing iwasan ang isang tumatawid na 6-talampakang ahas at sumalpok sa isang puno ng acacia sa Silang kamakalawa ng madaling-araw.
Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Estrella Hospital ang biktimang si Clantario Hilder, 56, may asawa, ng Integrand Development Inc. at residente ng #236 Kaliraya St., Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Patambang, may hawak ng kaso, dakong ala-1:45 ng madaling-araw habang minamaneho ng biktima ang isang Honda CRV (XMR- 998) at binabagtas ang kahabaan ng Riviera Golf and Country Club, Brgy. San Miguel, Silang, Cavite nang mapansin niya ang malaking sawa sa kanyang daraanan. Minabuti niyang iwasan subalit nahagip pa rin niya ito. Bunga marahil ng nerbiyos at takot sa sawa ay nawalan ng kontrol ang kanyang manibela na nagresulta sa pagkakasalpok ng sasakyan sa isang malaking punong acacia. Para namang isang nilamukos na papel ang harapang bahagi ng sasakyan kaya nagdulot din ito ng matinding pinsala sa katawan ng biktima na ikinamatay nito. (Lolit R. Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest