Kinilala ni P/C Insp. Luisito Magnaye, hepe ng Provincial Intelligence ang Investigation Branch ang dalawang piloto ng mga bangka na naaresto na sina Ronquillo Miguel na may dalawang tauhang kasama at Teodoro Miguel na may tatlo namang kasamahan na pawang nakatira sa Sto Rosario Hagonoy Bulacan. Ayon kay SPO4 Deo Vicmudo, chief investigator ng PIIB, dakong alas-8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng foot patrol sa dalampasigan ang mga tropa ng mga Bantay Dagat at pulisya ay namataan ng mga suspek ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga mangingisda at ng kanilang lapitan ay positibo ang mga mangingisda ay nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng trawl at pinong lambat na labag na labag umano sa itinatadhana ng batas.
Nakumpiska ang mga pulisya ng aabot sa 35 kilong sugpo, 40 kilong alimango at 50 kilong ibat ibang klaseng isda sa mga suspek. (Ulat ni Jonie Capalaran)