^

Probinsiya

1 pang broadcaster kinatay

-
PAMPANGA – Karumal-dumal ang sinapit ng isa na namang mamamahayag matapos na matagpuang basag ang ulo nito at tadtad ng saksak sa katawan kamakalawa sa Angeles City.

Ang biktimang si Elaine Malit, 40, regular host ng programang ‘‘Buhay Kalusugan’’ sa GV-AM Radyo Sentro ay natagpuang may pitong saksak sa dibdib sa loob ng kanyang banyo sa #3808 Carlota de Leon St., Brgy. Sta. Teresita, Angeles City.

Nabatid na bukod sa tama ng mga patalim sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, basag din ang noo ni Malit na indikasyon na pinukpok ito ng matigas na bagay ang kanyang ulo. Madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang kamag-anak na si Maricel Gundran.

Agad namang inutos ni Chief Supt. Alejandro Lapinid ang pagbuo ng "Task Force Malit" upang agad na maresolba ang kaso. (Doris M. Franche)

vuukle comment

ALEJANDRO LAPINID

ANGELES CITY

BUHAY KALUSUGAN

CHIEF SUPT

DORIS M

ELAINE MALIT

LEON ST.

MARICEL GUNDRAN

RADYO SENTRO

TASK FORCE MALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with