Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa opisina ni P/Chief Supt. Prospero Noble, director ng Western Mindanao PNP, nakilala ang mga biktimang sina Carmelita Ponteras, 65 at Estrella Ponteras, 48, ng Barangay Matunoy ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang malagim na krimen noong Linggo ng umaga sa bahay ng pamilya Ponteras kung saan nagwala ang suspek na si Alberto, hawak ang matalim na itak.
Lumitaw sa imbestigasyon na nag-aayos ng bahay ang mag-ina nang atakihin ng suspek at sinimulang pagtatagain sa ibat ibang bahagi ng katawan hanggang sa duguang bumulagta. Sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulisya, hindi pa nasiyahan ang suspek na tinaga ang kanyang ina at utol na babae ay tinagpas pa ang mga ulo dahil sa nakitang humihinga pa.
Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at nadakma ang suspek sa tulong na rin ng mga kapitbahay ng Ponteras. Hindi pa malaman ng pulisya ang ugat ng pamamaslang sa mga biktima at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.