1 patay, 6 grabe sa banggaan
August 29, 2005 | 12:00am
Balanga City, Bataan Isang 31 anyos na driver ang namatay habang anim pa ang malubhang nasugatan kabilang ang apat na elementary pupil matapos na aksidenteng magbanggaan ang isang school bus at kasalubong nitong pampasaherong jeepney sa superhighway ng Orion sa lalawigang ito, ayon sa ulat.
Ayon kay Supt. Arnold Gunnacao, Deputy Provincial Director for Operation ng Bataan Police, dead-on-the-spot si Joel Ranan, driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DFY- 245.
Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Jellie Victoria, Alma Erica Domingo, Michael Angelo Baylon at Agnes Ariel Alcantara; pawang estudyante ng Bataan Montessori School gayundin ang dalawa pa sa mga biktima na ngayon ay nilalapatan na ng lunas sa Bataan General Hospital.
Sa imbestigasyon, nabatid na ang mga estudyante ay lulan ng Korean Pregio van na may plakang WSY - 936 na minamaneho ni James de Dios, 45 at pauwi na para ihatid ang mga bata ng aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeepney noong Biyernes ng hapon sa kahabaan ng Roman Superhighway, Brgy. General Lim sa bayan ng Orion ng lalawigang ito. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest