Globe cell site uli sinabotahe
August 27, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos salakayin ang isa na namang cell site ng Globe Telecoms sa Sorsogon City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, bandang alas-6:20 ng gabi nang lusubin ng mga rebelde ang cell site ng Globe sa Barangay Marinas ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang nagpapatrulya sa bisinidad ng nasabing cell site ang nag-iisang guwardiya kasama ang ilang mga tauhan ng Armys 9th Infantry Division (ID) nang bigla na lamang sumalakay ang mga armadong rebelde.
Makalipas ang ilang minutong pag-atake ay napilitang magsiatras ang mga rebelde matapos na makita ang presensiya ng mga sundalo at nang paparating na ang reinforcement teams ng mga awtoridad sa lugar.
Magugunita na sunud-sunod ang ginawang pag-atake ng mga rebeldeng NPA sa Globe cell site dahilan sa pagtanggi ng may-ari na magbigay ng revolutionary tax sa komunistang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended