^

Probinsiya

Nag-amok na senglot, dinedo

-
CAVITE — Pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 37-anyos na lalaki ng mga residente makaraang mag-amok ang una sa Barangay Gregoria De Jesus sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, kamakalawa ng gabi. Hindi na naawat pa ng mga rumespondeng pulisya ang taumbayan sa nakapatay sa biktimang si Fernando "Ferdie" Ochigue ng #532 Lower Moonlight ng nabanggit na barangay. Napag-alaman sa ulat ni PO2 Margarito Umali na ang biktima ay lango sa alak nang nag-amok hawak ang dalawang patalim sa nasabing barangay. Posibleng nagalit ang mga kalalakihang residente sa kanilang lugar kaya pinagtulungan patayin. Wala naman matukoy na suspek ang pulisya sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Cristina Timbang)
ag-ama nakumpiskahan ng dinamita
M
SUBIC BAY FREEPORT — Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group ng 3rd-Regional Maritime Office ang mag-amang mangingisda makaraang maaktuhang gumagamit ng dinamita habang nangingisda sa Sto. Tomas River na sakop ng Barangay Matain sa bayan ng Subic, Zambales, kamakalawa ng umaga. Sa ulat na tinanggap ni 3rd-Regional Maritime Office commanding officer P/Chief Insp. Jesus F. Fernandez, nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo M. Latigar Sr., 45 at anak nitong Reynaldo Jr., 22, kapwa naninirahan sa Crisostomo St., Purok 2, ng nabanggit na barangay. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mag-ama na nakumpiskahan ng ilang pirasong dinamita habang sakay ng bangka na may nakatatak na "Josie Jona." (Ulat ni Jeff Tombado)
bagets binoga ng 2 adik
4
CAMARINES NORTE – Posibleng napagtripang pagbabarilin at malubhang nasugatan ang apat na bagets ng dalawang adik sa bawal na gamot, habang ang mga biktima ay natutulog sa loob ng kubo sa bahagi ng Barangay Dogongan sa bayan ng Daet, Camarines Norte, kahapon. Nasa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktimang sina Errol Quintela, 15; Jimmel Naing, 17; Raffy Diaz, 17; at Errol Naing, 18, na pawang naninirahan sa Barangay Uno sa bayan ng Daet. Naitala ang krimen alas-tres y medya ng madaling-araw nang dumating ang dalawang adik na kabataan. Napag-alamang hindi nakuha ng mga suspek ang hinahanap na baril mula sa kinaroroonan ng mga biktima kaya pinaulanan ng bala ng baril ang apat. Isa sa kasamahan ng apat na si Jennalyn Mangubat ang nakalundag palabas ng kubo, kung kaya naipagbigay-alam sa pulisya ang insidente. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY DOGONGAN

BARANGAY GREGORIA DE JESUS

BARANGAY MATAIN

BARANGAY UNO

CAMARINES NORTE

REGIONAL MARITIME OFFICE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with