^

Probinsiya

Maliksi, umapela sa CA

-
Pormal na hiniling kahapon ni Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi sa Court of Appeals (CA) na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa ipinalabas na suspension order ng tanggapan ng Ombudsman laban dito.

Batay sa 43-pahinang petition for certiorari/prohibition and injunction, sinabi ng kampo ni Maliksi na umabuso sa kapangyarihan si Deputy Ombudsman Victor Fernandez nang payagan nito na magpalabas ng suspension order ang graft investigator nito laban kay Maliksi.

Ikinatwiran ng kampo ni Maliksi na hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon na masagot ang kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act na isinampa sa kanya dahil hindi na umano siya pinagsumite ng counter affidavit.

Sinabi pa ni Maliksi sa kanyang petition na tatlong araw pa lamang sa tanggapan ng graft investigator ang kaso laban sa kanya ay agad na itong nagpalabas ng suspension order kung saan ito umano ay labag sa Rule 65 ng Rules of Court.

Ang kapalaran ni Maliksi ay nasa mga kamay ngayon ni CA Associate Justice Reuben Reyes makaraang i-raffle ang kaso nito.

Magugunita na nagpalabas ng preventive suspension ang Ombudsman noong Agosto 15 matapos na magsampa ng nasabing kaso ang bise gobernador nito na si John Victor Remulla tungkol sa maanomalyang pagbili ng 7,500 na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P7.5 milyon.

Kasunod nito, napilitang isagawa ni Vice Governor Johnvic Remulla sa Trece Martirez City Hall ang panunungkulan bilang gobernador matapos na hindi papasukin ng libu-libong supporter ni Maliksi sa Kapitolyo para ganapin ang flag-raising ceremony kahapon ng umaga.

Sa kasalukuyan ay paralisado pa rin ang lahat ng transaksyon sa Kapitolyo at halos wala na ring nagtatrabahong kawani dahil na rin sa tumitinding tensyon sa pagitan ng kampo ni Maliksi at Remulla. Ipinag-utos naman ni PNP chief Director General Arturo Lomibao sa 60-pulisya sa pamumuno ni P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director na paigtingin ang seguridad sa paligid ng Kapitolyo upang manatili ang peace and order. (Ulat nina Grace dela Cruz/Joy Cantos at Cristina Timbang)

ASSOCIATE JUSTICE REUBEN REYES

BENJARDI MANTELE

CAVITE GOVERNOR IRENEO

COURT OF APPEALS

CRISTINA TIMBANG

DEPUTY OMBUDSMAN VICTOR FERNANDEZ

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

JOHN VICTOR REMULLA

KAPITOLYO

MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with