^

Probinsiya

Grade-6 pupil ni-rape-slay

-
PADRE BURGOS, Quezon Isang 12-anyos na batang babae ang walang awang pinaslang matapos na gahasain ng isang hinihinalang drug addict kamakalawa sa Sitio Ilaya, Brgy. Yawe, ng bayang ito.

Kinilala ang batang biktima na si Ulia Pajarda, Grade 6 sa Yawe Elementary School at residente ng naturang barangay.

Base sa ulat ni PO2 Nicanor Villareal, may hawak ng kaso, dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng bata sa gilid ng isang sapa ng barangay.

Nauna rito, napag-alaman ng awtoridad na bandang ala-1 ng hapon ng nasabi ring araw ay nagpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na pupunta sa kagubatan upang kumuha ng panggatong.

Nag-alala na ang mga magulang ng biktima nang umabot na sa tatlong oras ay hindi bumabalik ang bata kung kaya’t agad na hinanap ito sa lugar kung saan siya tumungo hanggang sa makita ito sa tabi ng sapa.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Villareal, posibleng hinalay ang bata at pinatay ito sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg gamit ang isang t-shirt. Malaki ang paniwala ng kapamilya ng biktima na isang lulong sa ipinagbabawal na gamot at wala sa katinuang pag-iisip ang responsable sa krimen.

Inatasan na ni Mayor Ding Villena ang pulisya na resolbahin sa lalong madaling panahon ang brutal na pang-aabuso at pagpatay sa biktima at tukuyin ang suspek upang masampahan ng karampatang kaso. (Tony Sandoval)

BRGY

INATASAN

ISANG

KINILALA

MAYOR DING VILLENA

NICANOR VILLAREAL

SITIO ILAYA

TONY SANDOVAL

ULIA PAJARDA

YAWE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with