^

Probinsiya

20 alkalde sa Cavite sumuporta kay Maliksi

-
CAVITE – May posibilidad na lalong titindi ang tensyon sa Kapitolyo ng Cavite sa Trece Martires City sa Lunes ng umaga makaraang magpahayag ng matinding pagsuporta kay Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi, ang 20 alkalde, gayundin ang mga barangay captain sa lalawigang ito upang patunayan na walang katotohanan ang akusasyon ni Vice Governor Jonvic Remulla sa maanomalyang pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P7.5 milyon noong Oktubre 2004.

Kabilang sa mga alkalde na nakahandang magbarikada sa darating na Lunes (Agosto 22) para suportahan si Maliksi ay sina Amadeo Mayor OJ Ambagan; Gen. Trias Mayor Jon-Jon Ferrer; Dasmariñas Mayor Elpidio Barzaga; Tanza Mayor Munding Del Rosario; GMA Mayor Walter Echevarria; Silang Mayor Areng Poblete; Trece Martires City Mayor Jun De Sagun; Magallanes Mayor Filomeno Maligaya; Bailen Mayor Danny Bencito at Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino.

"Halos iisa lang ang aming layunin sa Lunes at ito ay upang ipakita ang aming buong pagsuporta kay Gov. Maliksi dahil malaki ang aming paniniwala na biktima lang siya ng maruming pulitika at ginamit lang nilang daan ang kasong isinampa ng Remulla upang patalsikin sa puwesto ang mahal naming gobernador," pasigaw na pahayag ng mga alkalde.

Ayon pa sa libu-libong tagasuporta ni Maliksi na mag-aambag-ambag sila para makaipon ng 1,500 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P7.5 milyon na inangkat ng pamahalaang panlalawigan na sinasabi ni Remulla na maanomalya upang ipamukha sa bise gobenador na mali ang kanyang bintang laban sa gobernador. Samantala, Sinabi ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla na balak nilang padalhan ng pagkain si Maliksi sa paniniwalang magugutom ito dahil sa patuloy na pagmamatigas na lisanin ang opisina sa provincial Capitol.

Naniniwala si Remulla na hindi na dapat manatili sa puwesto si Maliksi at dapat nitong sundin ang kautusan ng Ombudsman. Wala aniyang puwang sa gobyerno ang mga opisyal na hindi sumusunod sa ipinag-uutos ng korte.

"Hindi magandang halimbawa para sa mga mamamayan ng Cavite ang ipinakikita ni Maliksi na hindi pagsunod sa batas," dagdag pa ni Rep. Remulla. (Ulat nina Lolit Yamsuan at Malou Rongalerios)

AMADEO MAYOR

BAILEN MAYOR DANNY BENCITO

CAVITE

CAVITE GOVERNOR IRENEO

CAVITE REP

JESUS CRISPIN REMULLA

LOLIT YAMSUAN

MALIKSI

MAYOR

REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with